April 2011
16 posts
hi! thanks for the message! :) i dont know if there is a proper way to handle your haters. i think, you should just keep your cool. and always think that they hate you cause you are better than them. :)
salamat! almost 3 weeks ako mawawala. after new york kasi, pupunta pa ko sa dad ko. stay ako sa house nya ng 4 days :)
iamangelicanew: @IamAldrinA You are evil beyond word! Get a life loser!
ngayon ko lang nalaman ito. na sinabi nya ito sa pinsan ko na para ko ng kapatid. please, tulungan nyo ko na ma-report itong tao na ito. pati pamilya ko, dinadamay na nya. please. nakikiusap ako sa inyo. i believe i have 500,000 followers on twitter. naniniwala ako na mahigit sa kalahati nun ay mahal ako. humihingi ako ng tulong nyo para mabura sya sa mundo ng twitter.
kuhang-kuha ko ang point ng poser ko sa twitter, ginugulo nya ang mundo ng mga taong malalapit sakin, para bumalik ako sa twitter at sabihin na wag syang i-follow at nagbalik na ang totoong bruha… iniintindi ko ang pinanggagalingan nya. baka taga hanga sya na naliligaw ng landas kaya gulo ang hanap nya.. pwede rin naman na hindi ko sya taga hanga at trip lang nyang manggulo. walang basagan ng trip, sabi nga nila… ok.. trip mo yan…
eto naman ang trip ko. mag tweet ka ng tweet. hangga’t kaya mong panindigan. una sinabi mo na umiinom ka ng kape. mali… bawal sa health ko ang kape. pangalawa. inaaya mo si @iampattyyap sa bahay… mali.. magkasama kami nun sa bahay.. pangatlo, sabi mo nasa stage ka, nasan si @iampattyyap? puntahan ka? mali… magkatabi kaming nakaupo at nag kkwentuhan.. kinakaibigan mo ang ibang artista at pinapaniwala mo sila na totoong si angelica ka. kapagod ka na niii… nung sinabihan ko ang mga kaibigan ko na i-block at i-report ka, anong ginawa mo? nagkalat ka ng issue na ninakawan ako ng best friend ko. sa wallet ko?
mali ka. wala akong pera sa wallet na ganon kalaki. mali ka, dahil nasa baguio ako at nasa manila si @iampattyyap. hindi ako naglalagay ng cash sa wallet ko. kahit itanong mo pa nanay ko… o nanay mo? ikaw si angelica diba?
may mga tao na sumisira samin ni derek.. tanggap namin yun dahil public figure kami. bukas ang kwento ng buhay namin sa inyo. at hindi namin yun pinagdadamot. wag ninyong idamay sa paninira at panggugulo nyo sakin ang mga kaibigan ko at pamilya ko. ilabas nyo sila dito dahil, wala silang ginagawang masama sa inyo.
ano pa ba ang gusto ninyo? una girlfriend ni derek sa dumaguete, pangalawa, hiwalay na kami, pangatlo pinatay nyo ko sa car accident, ngayon naman ninananakawan ako ng kaibigan ko na hindi mo naman kilala? at hindi ka namin kilala kaya tantanan mo kami. nakakaawa ka, kasi mukhang walang nag mamahal sayo katulad ng nagmamahal sakin. mukhang hindi ka masaya kasi kailangan mong magpanggap at manira ng tao para lang mapansin ka.
once and for all. hindi na ko babalik sa twitter. may mga plano ako sa pag balik dati. pero sa insidenteng ito. ayoko na. binaboy nyo na ko. binastos nyo na ang relasyon namin ng boyfriend ko. pati personal kong buhay at relasyon sa mga personal na tao na malalapit sakin dinadamay nyo. maganda ang buhay, may kabuluhan ito. may ibig sabihin. wag mong paikutin ang mundo mo sa sa pag papanggap sa isang social network. get a life. live your life. live your own life and leave my friends alone.
no. but since matagal kaming d magkikita, nandito kami ngayon sa baguio. going home tomorrow :)
yes. bawal sakin ang coffee, kahit amoy lang ng coffee. wala akong bagong twitter acct :) sana ma-report na sya. :)
habang gumagawa ako ng milk tea…. na-miss ko si pratty. ang bespren ko.. nakita ko kasi yung longchamp ko na bag na ginawang lalagyan ng mga gamit namin kasi umulan ng malakas sa bora.. in fairness hindi nga nabasa mga gamit namin. yun ang huling “ligo sa ulan” moment ko. nakapag pabukas kami ng saradong tindahan. naki-inom sya ng kape. bumili kami ng muffin. nag walk out na din sakin si pratty dahil napikon sya sa biro ko. nag panic naman ako. hahaha! nag wiwi kami ng sabay sa kalsada kasama ang banana split family. lahat kami sabay sabay. oh my! hahahaha! naglakad kami sa baha. nag tricycle na din kami. hindi nya tinapos ang dance reh. nya dati dahil iyak ako ng iyak sa phone. umuutang sya sakin at hindi nagbabayad. pero lagi naman nya ko nililibre :) nung nanalo ako sa golden screen sya ang pinaka unang tumawag sakin. habang buhay na siguro kaming magakaibigan ni fetus. nakakalokang experiences ang mga pinagdaaanan namin. masaya. malungkot, nakakiyak.
nag text ako kagabi sabi ko, kumakain kami ni derek ng palabok at cake sa contis. naisip ko si mama dahil favorite nya yun. sabi ni mama ” grabe ang sarap.. nag GRAVE ako bigla ” yun lang.. bye! hahahahha!!!
kailangan ko magpasalamat kay darla at mr, ricky lo.. sa pagtanggol sa amin sa issue na hiwalay na kami ni derek. minsan nakakapagod na parang every week na lang may mga tao na sumisira sa amin. siguro isa lang sya. o 2 lang sila. o baka nga isang grupo sila na gusto kaming sirain. ang massabi ko lang… “galingan nyo pa” ang hina nyo mga ate… nakakalungkot din na naging malapit kami sa pep at bumubuo nito. dahil naniwala kami sa kredibilidad nila. pero may mga ganitong issue silang nilabas. ang point ba nila ay gusto lang nilang maging maingay dahil wala na silang issue na mailabas? so ibig sabihin sikat kami ni derek? if that’s the case, salamat. pero wag nyo kaming sirain. may mga tao sa paligid namin na nasasaktan.. kami po ni derek ay masayang masaya. lalong tumitibay. mas madami kaming blessings na natatanggap. gusto namin itong balewalain pero naisip namin na mahirap dahil maraming nagmamahal samin ang naapektuhan.. sana lang, ang nangyari, tinawagan kami ng pep at nilinaw ang issue na ito. hindi na naman sila iba sa amin.. bago nila nilabas sa twitter na hiwalay kami. panandalian pong nagulo ang mga araw namin, kailan ba matatapos ang issue na ito? kailan ba matatapos ang mga tao na gusto nilang paghiwalayin kami? hanggang kailangan ba sila maiinggit? in a couple of months ay 5 years na kami ni derek.. kulang pa ba ang mga taon na pinagsamahan namin para ipakita sa inyo na matibay at malalim ang relasyon naming dalawa? ano pa ba ang dapat naming gawin?
pero sa kabila ng lahat.. maraming salamat sa lahat ng nag-aalala, nagmamahal at may tiwala samin. I AM very disappointed with PEP. sana wag na itong maulit ng hindi tuluyang mawala ang kredibilidad nila. salamat sa lahat ng nagtanggol, kina MJ Felipe, Darla Sauler RIcky Lo, at kung sino man ang lahat ng nag protekta at lumaban for us. thank you. for the last time. we are very happy. we are stable. we are in love. sa lahat ng naninira sakin.. ito ang karma na ibinalik mo sa akin at sa happiness ng boy friend ko..

salamat!!! part kayo ng inspirasyon ng bawat artista :) lahat ng roles na ginagampanan namin ang gusto namin mag reflect isa man lang sa inyo :) salamat sa suporta :) at sa mga dasal :)
masayang masaya ako! iba ang pakiramdam kapag, tinawag ang pangalan mo sa stage para bigyan ng award at sabay sabay na nagsigawan ang mga tao at kasamahan mo sa pelikula. first time kong gumawa ng comedy film, kaya nakakaloka na nanalo ako kagad. hay grabe. hindi biro ang magpatawa. madaling mag paiyak ng tao.. pero mahirap mag patawa ng tao. hindi rin biro ang makasama ko sa isang category ang mga certified na komedyante.. lalong lalo na ang queen of comedy. mababaliw na ko sa saya ko! salamat sa lahat ng nag pray para sakin :) salamat din sa mga masasaya ngayon dahil nanalo ako. pak! deserve na deserve ko to!!!
Its a dream come true :) im at the photo shoot for a new endorsement. I still cant believe that im doing this… Im not dreaming. Its real!!! Waaaahhhhh!!!! Im sooo happy! All back to You Lord :) thank you!!!